???????? ?????? ????????????? ?? ????????, ???????? ?? ??????? ?????? ????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumanggap ng libreng legal assistance mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) legal team ang nass 70 agrarian reform beneficiaries (ARBs) at iba pang magsasakag-miyembro ng ARB organizations (ARBOs) mula sa malayong lalawigan ng Camiguin.

Ito ay sa ilalim ng programang “Agrayong Abogado Todo Serbisyo Para sa Benepisyaryo”, na layong tulungan ang mga ARB na malutas ang kanilang mga kinahaharap na legal na isyu sa kanilang mga lupain.

Layon din nitong ilapit sa mamamayan ang tulong ng pamahalaan para mas maging produktibo ang kanilang mga sakahan.

Samantala, bukod sa legal assistance, nagkaroon din ng lecture ang ahensya sa mga kawani ng DAR Camiguin para magabayan ang mga ito sa mga kinakailangan sa aplikasyon ng lupa at interpretasyon ng mga legal na konsepto kabilang ang programang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us