Muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pangako na labanan ang child sexual abuse and exploitation.
Pahayag ito ng DSWD kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagsisikap ng gobyerno sa pagtugon sa isyu.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, may mga alok na serbisyo at programa ang ahensya para matulungan ang mga victim-survivors hanggang sa paggaling at gabayan sa muling pagbalik sa kanilang komunidad.
Aniya, nagbibigay ng psychosocial intervention at counseling ang social workers matapos silang masagip, bago sila mabigyan ng center-based o community-based programs.
Iprinisenta na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Malacanang ang inobasyon at plano ng ahensya bilang tugon sa panawagan na paigtingin ang pagsisikap para sa kapakanan ng mga bata.
Layon din ng DSWD na pagbutihin ang kapasidad nito na magbigay ng holistic intervention at mga pagsisikap sa pag-iwas upang lumikha ng mas ligtas at mas proteksyon na kapaligiran para sa mga bata na malaya sa sexual abuse at pagsasamantala.| ulat ni Rey Ferrer