May pagkakataon na ang mga informal settler families at low income earners sa lungsod ng Pasig para magkaroon ng sariling bahay.
Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pasig City local government para sa in-city housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Pasig City Mayor Vico Sotto para sa proyekto.
Ayon sa inisyal na plano ni Mayor Sotto, dalawang housing projects ang itatayo para sa informal settler families sa lungsod.
Naniniwala ang alkalde na malaki ang maitulong ng partnership ng national at local government agencies para mabilis matugunan ang backlog sa pabahay sa bansa.
Buo ang kanyang suporta sa flagship housing program ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panig ni Secretary Acuzar, nagpasalamat ito sa alkalde at asahan pa ang buong suporta ng pamahalaan hanggang sa maisakatuparan ang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan na ligtas, disente at abot-kaya.| ulat ni Rey Ferrer