Pinangunahan nina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Ledesma ang isinagawang Labor and Trade Partnership Session kung saan kapwa binigyang-diin ng dalawang kalihim ang mahalagang papel ng digital capabilities para sa pagpapalakas ng mga manggagawang Pilipino.
Kaya naman alinsunod nito ay mas paiigtingin pa ng dalawang kagawaran ang nilagdaan nitong memorandum of agreement noong 2023 upang itaas pa ang kakayahan ng mga manggagawa tungo sa digital technology.
Napag-usapan din sa isinagawang sesyon ang iba’t ibang strategic na inistiyatibo para sa pag-embed ng digital trainingat development sa workforce na layong lumikha ng di bababa sa 45 milyong green at high quality jobs sa pamamagitan ng Trabaho Para sa Bayan Act.
Bukod dito, plano rin ng DTI na gawing digital learning hubs ang mga Negosyo Centers upang ihanda ang mga Pilipino para sa pandaigdigang merkado.
Binigyang-diin ng DTI Chief ang kahalagahan ng pag-adapt sa technological advancements at paggamit ng mga digital paltform para sa paglikha pa ng mas maraming employment opportunities para sa ating mga kababayan.| ulat ni EJ Lazaro