Ito’y matapos na pagsaluhan nila ni First lady Liza ang produktong pagkain ng sikat na fast food chain nitong nakalipas nilang wedding anniversary.
Sa Facebook post ni Pangulong Marcos, kita sa larawan ang ngiti ng Punong Ehekutibo habang hawak ang mascot doll at sulat ng pagpapasalamat mula sa nasabing fast food chain.
Nakasaad sa sulat na ikinatutuwa ng kumpanya na napili nina Pangulong Marcos at First Lady Liza na maging bahagi ng kanilang dinner ang kanilang produkto sa nakalipas nilang 31st wedding anniversary.
Nagpasalamat din naman ang Chief Executive sa food conglomerate na aniya’y nagbibigay ng representasyon sa pagiging warm at hospitable ng mga Pilpino sa buong Mundo.
Nakapagbibigay aniya ng ‘Joy,’ sabi ng Pangulo, ang sikat na fast food chain sa ating mga kababayan, saan man sila naroroon.| ulat ni Alvin Baltazar