Kinilala sa pinakahuling “Boses ng Bayan” nationwide job performance evaluation 2024 para sa unang quarter ng taon si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman bilang isa sa mga pinamakamahusay na opisyal ng gabinete sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa survey, nakuha ni Sec. Pangandaman ang job performance score na 85% at trust rating na 87%. Ito ay mula sa approval score nito sa huling quarter survey rating noong 2023 sa 80% at trust rating sa 82%.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat ang DBM Chief at sinabing pagpapabutihin pa ang mga gingawa nito para paglingkuran ang mga Pilipino.
Pinasalamatan din ni Pangandaman ang mga staff ng DBM para sa dedikasyon nito at matapat na paglilingkod sa bayan.
Muli ring pinagtibay ni Pangandaman ang pangako ng DBM na magsisikap ito para mabawasan ang epekto ng inflation, palakasin ang empleyo, suportahan ang nagangailangan, labanan ang kurapsyon, at itaguyod ang digital transformation para sa inklusibo at matatag na hinaharap para sa lahat ng Pilipino.| ulat ni EJ Lazaro