Batid umano ng Department of Transportation (DOTr) ang hinaing at apela ng publiko para sa mas malawak at ligtas na walkway at bike lane.
Ayon sa DOTr, isa umano sa pinagtutuunan ng ahensya ang pagbibigay sa mga siklista at pedestrian ng espasyo sa lansangan bilang ‘sustainablle modes of mobility’.
Isa umano ito sa nakikitang solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko dahil sa dami ng sasakyan.
Ayon sa DOTR, nagtatalaga at nagre-reclaim na ang ahensya ng ilang bahagi ng kalsada.
Ito’y para sa pagtatayo ng ligtas na imprastraktura sa mga pedestrian, siklista, at iba pang non-motorized vehicles.
Dagdag pa ng ahensya, sa ilalim ng National Transport Policy at Philippine Development Plan 2023-2028, ‘highest priority’ ang pedestrian at iba’t ibang uri ng non-motorized vehicles at ang development ng active transport infrastructure. | ulat ni Rey Ferrer