Nananatili ang isang Chinese Research Vessel na may pangalang “Shen Kuo” na nasa layong 90 nautical miles buhat sa Baras, Catanduanes.
Batay ito sa pinakahuling mensaheng ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief, Colonel Xerxes Trinidad batay sa kanilang monitoring kagabi.
Una aniyang namataan ang naturang barko ng Tsina noon pang April 25 sa layong 60.9 nautical miles, silangang bahagi ng Rapu-Rapu Island sa Albay.
Sa ulat naman ng Tactical Operations Wing – Southern Luzon, nakadaong sa naturang lugar nitong Sabado nang walang tauhan na naka-istasyon sa main deck nito.
Maka-ilang beses na sinubukang i-radio challange ng AFP ang naturang barko subalit tila binalewala lamang sila nito at nanatili lang sa kinalalagyan nito.
Gayunman, magpapatuloy ang pagbabantay ng AFP sa galaw ng naturang barko at inatasan na rin ang mga karatig na barko na paigtingin ang pagmamanman at pag-uulat sa hayagang panghihimasok ng nasabing barko ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala