Kamara, tututok sa oversight function nito sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa tapos na ng Kamara ang 20 LEDAC Priority Bills, tututukan nito ngayon ang kanilang oversight function kasabay ng pagbabalik sesyon ngayong araw.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, bahagi nito ang pag-monitor at evaluate sa pagpapatupad ng mga batas na kanilang pinagtibay para sa accountability, transparency, at interes ng publiko.

“Through rigorous oversight, the House will actively engage in scrutinizing government actions, addressing inefficiencies, and safeguarding the integrity of our democratic institutions,” punto ng House leader.

Kasama sa mga sisilipin ng mga komite sa Kamara ang ilan sa pangunahing isyu ngayon gaya ng presyo ng bilihin, cybersecurity threats, at tensyon sa West Philippine Sea.

Katunayan ngayong umaga, nakakasa ang pagdinig ng House Committee on Agriculture amd Food para alamin ang update sa pagpapatupad ng RA 11203 o Rice Tariffication Law.

Habang ang House Committee on Trade and industry ay tatalakayin ang mataas na retail proce ng basic commodities sa kabila ng mababang farm gate price. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us