Pag-disqualify ng NTC sa aplikasyon ng 4 na telecommunications company para sa radio frequency, pinagtibay ng SC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaboran ng Supreme Court ang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na ibasura nito ang aplikasyon ng Next Mobile, Inc., na ngayo’y NOW Telecom at iba pang kompanya na nag-apply para sa third-generation mobile communications technology o 3G radio frequency.

Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, pinawalang saysay ang petisyon na kumuwestyon sa kautusan ng NTC noong December 28, 2005 at August 28, 2008 kaugnay sa diskwalipikasyon ng Next Mobile.

Kasama ring na-disqualified na telecommunications firms ay ang Bayan Telecommunications o Bayan Tel, Multi-Media Telephony, Inc. o MTI, at AZ Communications, Inc.

Sinang-ayunan din ang petisyon ng NTC laban sa 2010 ruling ng Court of Appeals na nag-atas sa telecommunications regulatory body na maglaan ng ikalima at pinal na 3G slot sa BayanTel.

Sinabi ng SC na batay sa Public Telecommunications Policy Act of the Philippines, bahagi ng national policy na ilaan ang radio frequency spectrum sa service providers na epektibong gagamit nito upang matugunan ang pangangailangan ng publiko sa telecommunications service.

Ang NTC ang pangunahing administrator ng public resource at may kapangyarihang sumuri ng mga aplikante para sa frequency spectrums.

Nagdesisyong idiskwalipika ang Next Mobile dahil sa hindi pa nito nababayaran na spectrum user fees at supervision at regulations fees na aabot sa kabuuang ₱135.6-million hanggang noong December 2005.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us