House Appropriations Chair, nagpaalala sa mga ahensya na samantalahin ang dry season para tapusin ang infra projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiguro ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co sa mga ahensya ng pamahalaan na samantalahin ang dry season para tapusin ang kanilang mga proyekto.

Aniya, unahin na dapat ngayon ang paggawa ng infrastructure projects at iba pang capital outlays habang hindi pa umuulan.

Giit pa ni Co na oras na sumalang muli sa budget deliberations ay hindi dapat idahilan sa Kongreso na kaya hindi natapos ang proyekto ay dahil sa inabutan ng tag-ulan.

“Those programs and projects were approved for this year because there are urgent needs to be met and for the long-term projects timelines are being followed to ensure on-time completion,” ani Co.

Kadalasan kasi aniya na nagiging isyu sa budget hearings ang atrasado o hindi natapos na proyekto at unsatisfactory absorptive capacity. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us