Nagkaroon na ng mas malawak na oportunidad ang mga magsasaka sa MIMAROPA Region na i-market ang kanilang produktong agrikultural.
Kasunod ito ng isinagawang Agrarian Reform Summit ng Department of Agrarian Reform sa rehiyon.
Tinulungan ng summit ang mga ARBO na palawakin ang kanilang merkado sa pamamagitan ng exposure sa online platforms.
Gayundin ang mga oryentasyon sa kahalagahan ng product design, mga kinakailangan para sa Food and Drug Administration at ang potensyal sa international trading.
Hinikayat ni DAR Support Services Office Undersecretary Rowena Niña Taduran ang mga ARB na patuloy na pagyamanin ang kanilang mga lupain.
Kinilala rin ng DAR-Mimaropa ang mga natatanging kontribusyon ng mga ARBO sa pagtataguyod at pagpapatupad ng mga sustainable agricultural practices, at ang mga masisipag na empleyado mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR Mimaropa Region