Pinakakansela ni Senadora Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.
Ginawa ng senadora ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagtatago ni Quiboloy sa Senado at sa mga korte ng Pilipinas.
Giniit ni Hontiveros na dapat nang limitahan ang galaw ni Quiboloy at ipakita ang buong kakayahan ng pamahalaan na matunton ang kinaroroonan nito.
Una nang pinaliwanag ni DFA Spokesperson Teresita Daza na kapag nakansela ang isang passport ay ituturing itong ‘red flag’ para sa anumang aplikasyon sa lahat ng DFA consular offices sa loob at labas ng Pilipinas.
Dinagdag rin ni Daza na ang isang kasneladong passport ay irereport sa Bureau of Immigration at sa Interpol office sa Pilipinas, na siya namang magpapaalam sa Interpol Headquarters.
Oras namang makaabot ito sa Interpol HQ ay isasama ang kanseladong passport sa alert system ng international border controls.
Nagtitiwala si Hontiveros na maraming mga bansa ang handang makipagtulugan sa Pilipinas para mapanagot si Quiboloy, lalo’t ilan sa mga tumestigo laban aky Quiboloy sa ginawang pagdinig ng Senado ay mga dayuhan.| ulat ni Nimfa Asuncion