Kinumpirma mismo ni Speaker Martin Romualdez na sisilipin ng Kamara ang napaulat na gentleman’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping.
Ayon kay Romualdez, kaisa sila ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkondena sa naturang kasunduan kung totoo man.
Ito na kasi aniya ang ginagamit na ‘bala’ ngayon ng Tsina laban sa aktibidad ng Pilipinas sa Ayungin Shoal partikular ang resupply mission sa BRP Layon ng naturang imbestigasyon na matukoy ang katotohanan sa likod ng naturang kasunduan lalo na at mismong ang dalawang dating presidential spokesperson ng nakaraang adminsitrasyon ay mayroon magkaibang pahayag hinggil dito.
Giit ng House Speaker na isa ring abogado, hindi legally binding ang naturang kasunduan dahil hindi naman ito dumaan sa tamang proseso.
“In the exercise of our oversight powers, we will direct the appropriate house committee to conduct an inquiry, in aid of legislation, to determine the adverse impact of such agreement on our national interests, particularly our sovereignty, sovereign rights, and territorial integrity. Like presiden Ferdinand R. Marcos Jr., we are “horrified” by the idea of compromising the country’s rights over West Philippine Sea,” saad ni Romualdez sa isang talumpati.
Sinabi rin ng House leader na maaari nilang ipatawag ang mga dating miyembro ng gabinete ng dating administrasyon.
Kasama na aniya dito ang mga opisyal na may direktang kaugnayan sa panlabas na kasunduan gaya ng Department of Foreign Affairs, Executive Secretary at dating presidential spokespersons.
Matatandaan na unang lumbas ang naturang isyu nang ilantad ito ni dating presidential spokesperson Harry Roque.
“…we’ll start with the past officials, kasi sila rin ang dapat ang nag-eexecute kung may agreement, sila dapat ang… siguro ‘yong foreign affairs nila, ‘yong executive secretary, kung may EO ‘di ba. At saka ‘yong mga nagsalita na meron, pero ‘yong iba, meron din isang press secretary nagsalita na meron, ‘yong isa naman wala naman daw.” ani Romualdez.| ulat ni Kathleen Forbes