Pormal na inihain ng Makabayan Bloc para paimbestigahan ang paulit-ulit na red at yellow alerts na naranasan ng Luzon, Visayas at Mindanao Grid.
Sa kanilang House Resolution 1690, iginiit ng Makabayan solons na dapat papanagutin ang generation companies dahil sa pagpalya ng mga planta habang nagpatupad na naman ng pagtaas ng singil ng kuryente.
Nitong nakalipas na dalawang linggo ay sunod-sunod ang anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas Grid, at maging Mindano grid.
Dapat din anilang siguruhin ng Kongreso na protektado ang mga consumer sa panahon ng energy crisis.
Maliban sa angkop lehislasyon para sa consumer protection ay kailangan din ito para tugunan ang ugat ng krisis sa enerhiya.| ulat ni Katheen Forbes