Mambabatas, umaasang sisimulan muli ng Senado ang pagtalakay sa RBH 6 o panukalang economic charter change

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte ang Senado na ipagpatuloy na ang pagdinig nito sa Resolution of Both Houses no. 6 o economic Charter Change.

Ayon kay Villafuerte, umaasa siya na ang Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ay magkakaroon ng panahon para muling talakayin ang RBH no. 6 lalo na ngayong balik sesyon na ang Kongreso

Saad pa ng mambabatas, sinabi noon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target ng Senado na masimulan ang plenary deliberations sa economic Cha-Cha sa nalalapit na Mayo.

“With us legislators back to work this week after the Lenten break, we are hoping that the Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes can find time to soon resume its hearings on RHB 6,” sabi ni Villafuerte.

Kumpiyansa naman ang mambabatas, na oras na makausad at makapasa ang panukala sa Senado ay magiging ‘smooth sailing’ na lang ang pagsalang nito sa Bicameral Conference Committee level, lalo’t ang RBH no. 7 ng Kamara ay kahalintulad lamang ng RBH no. 6 ng Senado. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us