DSWD Chief at Army 7th ID Officials, tinalakay ang development, security concerns para sa Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagkita si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga opisyal ng Philippine Army’s 7th Infantry (Kaugnay) Division sa 7ID Headquarters sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija ngayong araw.

Sa ginanap na executive conference, tinalakay ng DSWD Chief at grupo ni 7ID Commander Major General Andrew Costalo ang regional development at security concerns para sa Central Luzon.

Bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) para sa Central Luzon, si Secretary Gatchalian ay binigyan ng briefing ng Kaugnay troops sa katayuan ng mga dating rebelde at conflict-affected and-vulnerable areas sa rehiyon.

Ipinag-utos ni Secretary Gatchalian kay DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay at DSWD Field Office-3 (Central Luzon) Regional Director Venus Rebuldela na tingnan kung paano makakatulong ang mga umiiral na social protection program ng ahensya.

Partikular sa pagtugon sa insecurity at instability na kinakaharap ng mga indibidwal at komunidad na ito.

Bukod pa dito, pinangunahan din ng kalihim ang pamamahagi ng livelihood assistance sa mga dating rebelde at people’s organization. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us