Aminado si Speaker Martin Romualdez na dismayado sila sa kinalabasan ng ipinatawag na briefing ng House Committee on Trade and Industry kaugnay sa mataas na presyo ng bilihin.
Lumalabas kasi na walang kagyang na solusyon ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para mapababa ang presyo ng batayang bilihin.
Ang ipinatawag na pulong ng komite ay upang matukoy kung bakit mayroong malaking gap o agwat sa farmgate price at retail price ng batayang bilihin gaya na lamang ng bigas.
Batay na rin sa naging pulong nila noong nakaraang linggo kasama ang grupo ng producers, manufacturers at retailers wala dapat taas presyo sa basic commodities dahil matagal nang walang pagtaas sa farm gate price ng mga ito.
Nagbabala naman si Romualdez sa mga middlemen at traders na nananamantala na nakabantay ang Kongreso sa kanila.
Huwag din aniya silang maging gahaman sa kita at kung maaari ay bigyang konsiderasyon naman ang mga consumer at maging ang mismong mga magsasaka.| ulat ni Kathleen Forbes