Pinangunahan mismo ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang pagiisyu ng Notice of Violation sa apat na delinquent employers na bigong magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga kawani.
Ito ay sa ikinasang “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ng Social Security System sa ilang establiyimento sa Quezon City ngayong araw.
Ayon sa SSS, umabot sa kabuuang P6.2 million ang delinquencies ng naturang mga kumpanya na nakakaapekto sa social security coverage ng higit 200 empleyado.
Kabilang dito ang isang wellness center na pumalo sa P3.7 million ang unpaid contributions mula pa noong pebrero ng 2014.
Bukod sa operasyon sa Quezpn City, tuloy tuloy na nagsasagawa ng RACE ang SSS sa ibat ibang panig ng bansa na bahagi ng “Alay ng SSS para sa mga Manggagawa – Serbisyong Mapagkakatiwalaan at Proteksyong Maaasahan.”
Kasunod nito, muling ipinaalala ng SSS na mahalagang harapin ng mga employer ang kanilang obligasyon para hindi malagay sa alanganin ang benepisyo ng kanilang mga manggagawa.
Marami naman aniya itong iniaalok na opsyon rin ang SSS sa mga employers gaya ng installment payment at condonation program. | ulat ni Merry Ann Bastasa