Kinikilala ni National Security Adviser Eduardo Año ang mahalagang papel ng mga nasa pamamahayag upang maituwid sa publiko ang mga baluktot at walang basehang narratives ng China kaugnay ng patuloy na pag-aangkin nto sa West Philippine Sea.
Sa keynote message ng kalihim sa media seminar hinggil sa West Philippine Sea, inihayag ni Año na crucial ang ginagampanang papel ng mga nasa pamamahayag upang maipaunawa sa taongbayan kung ano ang talagang nangyayari sa ating kapaligiran lalo na sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ani Año na hindi kailanman mamemenos ang ginagawa ng media na nagsisilbing tainga at mata sa lahat ng nangyayaring kaganapan.
Kaya sa propaganda na ginagawa ng China kung saan ay itinataguyod nito ang
misinformation at disinformation na lilikha ng pagkakabaha-bahagi ay sinabi ng kalihim na importanteng dito pumasok ang media.
Kaugnay nito ay nanawagan si Año sa media maging sa publko na manindigan at palagan ang mga malisyosong pahayag ng China na ang layunin ay sirain ang national interest. | ulat ni Alvin Baltazar