Na-monitor ng AFP ang tatlong Chinese research vessel sa bisinidad ng Ayungin Shoal.
Ito’y bukod pa sa unang na-monitor na Chinese research vessel na “Shen Kou” sa silangan ng Catanduanes.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, iniulat sa kanila nitong April 29 ang presensya ng tatlong barko ng China sa bisinidad ng Ayungin Shoal.
Gayunman, wala namang mga aktibidad na ginagawa ang tatlong barko ng China sa lugar.
Samantala, sinabi naman ni Trinidad na na-monitor nila na nagbaba ng “unidentified equipment” ang Shen Kou sa Silangan ng Catanduanes na posibleng gamit sa maritime research.
Inangat umano ang equipment at binaba mula sa barko pero hindi naman ibinagsak sa dagat.
Dahil dito nakikipag-ugnayan na ang AFP sa PCG para malaman kung may posibleng banta ang ginawa ng Chinese research vessel. | ulat ni Leo Sarne