Sulit ang maagang pila sa SM Grand Central ng ilang aplikante na agad hired on the spot sa ikinasang Mega Job Fair ng Caloocan City government kasabay ng Labor Day.
As of 11am ay umabot na sa 21 ang HOTS at tuloy-tuloy ang nakakakuha agad ng trabaho.
Kasama rito si Erica na nakuhang cashier sa isang malaking hardware store at si Jester naman na staff sa isang mall.
Ayon kay Violeta Gonzales, Chief ng Caloocan PESO, kadalasang umaabot sa 30-40% ang hired on the spot sa tuwing may job fair ang pamahalaang lungsod.
Pinayuhan naman nito ang mga interesadong aplikante na humabol pa sa job fair at maging matiyaga sa proseso at interview.
Nasa 55 kumpanya ang kalahok sa naturang job fair kung saan 5,500 na trabaho ang naghihintay sa mga jobseeker.
May one-stop-shop din ng ilang government agencies kabilang ang PhilHealth, SSS, Pag-Ibig, DMW, BIR, PSA at TESDA. | ulat ni Merry Ann Bastasa