Muling siniguro ni Speaker Martin Romualdez ang patuloy na hangarin ng pamahalaan na mapagbuti ang kalagayan ng milyong manggagawang Pilipino, kabilang ang mga nagta-trabaho sa ibayong dagat.
Sa kaniyang mensahe bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Romualdez na mahalagang makabuo ng mga lehislasyon para masiguro ang patas na labor practices, maisulong ang safety at health standards at matiyak na maramdaman ng mga manggagawa ang benepisyo ng lumalagong ekonomiya.
Kasama rin aniya sa tinututukan ng gobyerno ay ang makalikha ng dagdag pang trabaho at ang pagkakaroon ng isang lipunan na kinikilala at pinoprotektahan ang labor rights ng mga manggagawa.
“The government is steadfast in its resolve to create more job opportunities and to foster an environment where labor rights are protected and economic opportunities flourish. We pledge to enhance our efforts in equipping our workforce with the skills needed for the jobs of tomorrow through robust education and training programs,” ani Romualdez.
Kasabay nito ay pinapurihan din ng House Leader ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang kasipagan, dedikasyon at katatagan at ang kanilang malaking ambag sa paghubog ng lipunan hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa kani-kanilang host countries sa ibayong dagat.
“These attributes have not only fueled our industries at home but have also made them highly respected on the global stage. Our overseas Filipino workers, who brave distance and sacrifice, deserve special recognition for their contributions to both the Philippines and the economies of their host countries,” sabi pa ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes