Tinatayang papalo ang paglago ng ekonomiya sa unang bahagi ng taon sa 5.8% hanggang 6.3%.
Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na kaya ang 5.8% na paglago at maituturing na pinakamataas na ito sa rehiyong Asya.
Maaalalang noong 2023, nasa 5.5% ang paglago habang target naman ng economic managers ang 6-7% na growth sa gross domestic product ngayong taon.
Aniya, bagaman nasa 6% ang target, upang maging realistic ang 5.8% na paglago sa first quarter ay malapit na sa katotohanan.
Samantala, aminado naman ang kalihim na ang inflation ang maituturing na malaking balakid sa inaasam na paglago.
Paliwanag nito na kung maibababa ang inflation rate ay makakamit ang mataas na GDP.
Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang first quarter GDP data sa darating na May 9. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes