Iniulat ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may 21 foreign investors ang nasa proseso na ng pagpaparehistro ng kanilang negosyo sa Pilipinas.
Nabangggit ito ng Punong Ehekutibo sa kanyang naging talumpati para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Ang 21 foreign investors ay kasama sabi ng Presidente sa halos 200 proyekto na inaabangan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagkakahakaga ng apat na trilyong piso.
Sa ngayon ay may walong negosyo ayon sa Presidente ang umaarangkada na sa bansa na bunga ng mga naging biyahe ng Chief Executive.
Nabanggit din ng Pangulo ang pag-apruba ng investment promotion agency na nagkakahalaga ng 1.7 trillion pesos investment ay makapagbibigay ng 108,000 trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar