Hanggang 48°C Heat Index, posibleng maranasan sa Camarines Sur ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ibinabala ng PAGASA ang mapanganib pa ring antas ng heat index o damang init na inaasahang tatama sa maraming lugar sa bansa ngayong araw.

Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 48°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw at ito ay maitatala sa bahagi ng Pili sa Camarines Sur.

Ito rin ang kaparehong heat index na naitala sa naturang lugar kahapon.

Kaugnay nito, inaasahan din ang 42-47°C heat index sa 38 lugar sa bansa.

Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

Dito naman sa Metro Manila, posibleng manatili sa 42°C ang heat index sa Quezon City habang 43°C naman sa Pasay.

Una nang ibinabala ng PAGASA na mas titindi pa ang init na mararamdaman sa bansa ngayong buwan ng Mayo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us