Pres. Marcos Jr., naniniwalang sawa na ang tao sa awayan at politika; pagkaka-isa, patuloy na inaasam ng taongbayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayaw at sawa na ang tao sa bangayan at politika.

Isa ito sa nabigyang-diin ng Chief Executive kaugnay ng naging pangunguna nito sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, ang hanap ngayon ng taongbayan ay pagkakaisa at nanatiling uhaw aniya ang marami sa unity.

Taong 2022 pa, sabi ng Chief Executive, ay malinaw na ito sa kanya at nararamdaman noon pa na sabik ang mga tao sa pagbubuklod-buklod.

Ang pinakamainam aniyang paraan ng pagsisilbi sa bayan ayon kay Pangulong Marcos ay ang magsama-sama at magkaisang magtulungan para sa mamamayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us