Naka-detine na sa Bureau of Immigration (BI) warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang isang Chinese national na sangkot sa cyber fraud habang hinihintay nito ang kaniyang deportation.
Ang suspek na si Qin Xingye, 28 years old ay naharang ng BI port officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago pa man makasakay sa Air Asia flight patungong Hong Kong.
Agad itong inaresto dahil lumabas ang kaniyang pangalan sa derogatory list ng BI matapos itong magpresenta ng clearance sa immigration departure counter.
Lumalabas sa derogatory hit na si Qin ay inilagay sa immigration blacklist dahil sa pagiging ‘undesirable alien’ nito.
Maliban dito ay overstaying na rin ang banyaga at nagtatrabaho nang iligal sa bansa dahil sa pagtatrabaho nitong walang kaukulang permit. | ulat ni Lorenz Tanjoco