Maliban sa ganda ng Mayon Volcano inaasahan ni AKO Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na maibida ang makulay na kultura ng Bicol sa gaganaping Bicol Loco Hot Air Balloon Festival.
Ayon kay Co, magsisilbi ring plataporma ang balloon fest para sa cultural exchange at makatutulong din para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng kanilang rehiyon.
“Through this grand festival, I envision a transformed Bicol, recognized globally, where the economy is as rich and lively as the experiences it offers,” sabi ni Co.
Sa ngayon ay all set na aniya ang paghahanda para sa Bicol Loco Hot Air Balloon Festival kung saan nasa 25 hot air balloon ang makikibahagi mula May 3 hanggang May 5.
Maliban dito ay mayroon ding pagtatanghal ang mga kilalang artista gaya nina Sarah Geronimo, Bamboo, Ely Buendia at Jericho Rosales kasama ang iba pang local talents mula Bicol. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📷: AKO Bicol/Rep. Zaldy Co FB