Maraming naisakatuparan ang Marcos administration sa loob ng nakalipas na dalawang taon, dahil sa bukas at nagkakaisang approach ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga Pilipino.
“Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” — Pangulong Marcos Jr..
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bunsod na rin ito ng pagtutulungan ng lahat, pagsunod sa mga plano, at pakikipag-ugnayan, at pakikinig sa pangangailangan ng mga komunidad.
Aniya, ang pakikipagtulungan at pagiging isa ng administrasyon sa mga kabalikat nito ay malinaw na nagbunga ng maganda para sa mga Pilipino.
Dahil dito, umaasa si Pangulong Marcos Jr. na susuportahan ng publiko ang kanilang partido sa susunod na eleksyon lalo’t nakita naman ng taumbayan ang kanilang ginawa na magkakasamang pagtulong sa mga Pilipino.
“And the reason is that because we have been working together, we have been following the same plan, we have come together, nakipag-ugnayan tayo; ‘Ano bang problema doon sa inyong region, sa iyong probinsya, sa iyong bayan,’ at pinakinggan natin silang lahat hindi lamang ‘yung mga political leader, kung di pati na ang taong bayan, at makinig tayo.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan