Diplomatic ties ng Pilipinas, mahalagang mapalakas pa sa gitna ng pagiging mas agresibo ng China sa West PHilippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit ngayong kailangan na pagtibayin ng Pilipinas ang relasyon nito sa ibang mga bansa upang makakuha ng suporta mula sa international community sa gitna ng pagiging mas agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Assistant Majority Leader Mikaela Suansing, mahalaga ang suporta ng ating mga kaalyadong bansa kasunod na rin ng panibagong insidente ng pagbangga at paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa BRP Bagacay at BRP Datu Bankaw sa Bajo de Masinloc.

Kaya welcome para sa lady solon ang pagpapatibay ng US Congress sa Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 o PERA Act kung saan magbibigay ng $500-million US Dollars na halaga ng Foreign Military Financing Grant Assistance ang Amerika sa Pilipinas kada taon mula 2025 hanggang 2029.

Pagsiguro naman ni Deputy Majority Leader Jude Acidre na oras na matalakay ang 2025 national budget ay sisiguruhin ng Kamara na mabigyan ng sapat na pondo ang pagpapalakas ng ating defense capabilities upang protektahan ang ating soberanya laban sa China. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us