Panukalang paggawad ng Filipino citizenship kay Gilas Pilipinas prospect Bennie Boatwright, isinusulong ni Sen. Sonny Angara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senador Sonny Angara ng panukala para magawaran ng Filipino citizenship ang 27-year old basketball player na si Bennie Boatwright, na tinitingnan bilang key addition sa Gilas Pilipinas national team.

Sa paghahain ng Senate Bill 2624, pinunto ni Angara na makatutulong si Boatwright na maging mas competitive ang Gilas Pilipinas sa mga international tournaments gaya ng Asian Games, World Cup, at maging sa Olympics.

Ibinahagi ng senador na ang hakbang na ito ay resulta ng mga preliminary meetings sa pagitan ni Boatwright at ng SBP officials.

Matatandaang si Angara ay nagsisilbi ring chairperson ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nakapaglaro na si Boatwright sa NBA G League, Mexican LNBP, Chinese CBA, at sa ating Philippine Basketball Association (PBA).

Sakaling ma-naturalized, magsisilbing back-up si Boatwright ni Justin Brownlee.

Kung sakali rin ay magiging apat na ang naturalized players ng Gilas PIlipinas, kabilang sina Brownlee, Ange Kouame, at Jordan Clarkson. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us