Tinapos na ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) ang paglilipat ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa bagong jail facility sa Barangay Payatas ng Quezon City.
Ayon kay QC JMD Community Relations Service Office Jail Officer 3 Jonathan Dasig, huling batch na hinatid ngayong umaga ay abot sa 366 na PDL.
Aniya, kumpleto na ang halos 3 libong PDL ang nailipat sa bagong pasilidad sa Payatas, bukod sa nauna nang 1,000 PDL mula sa mga presinto ng pulisya.
Nakatakda nang i-turnover ng QCJMD ang binakanteng lumang QC jail sa local government ng lungsod Quezon .
Sa Lunes, magsasagawa na ng inspection ang City Engineering Department sa pasilidad para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, tuloy-tuloy na rin ang konstruksyon ng perimeter fence ng bagong QC Jail sa Payatas.| ulat ni Rey Ferrer