Muling nagpulong ang defense officials ng Pilipinas, Japan, Australia at Estados Unidos sa gitna ng patuloy na pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.
Ginawa ito para sa patuloy na kolaborasyon para sa free, open, secure at prosperous Indo-Pacific.
Sa joint statement na inilabas ng Department of National Defense (DND), nagpahayag ng pagkabahala ang magkaalyadong bansa sa akyson ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa karagatan.
Kabilang na ang paulit-ulit na pagharang sa rotational at resupply mission ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Iginiit din ng apat na bansa sa pulong ang importansya sa pagpapanatili sa freedom of navigation at overflight ganun din sa pagrespeto international law alinsunod sa UNCLOS.
Bukod dito nanawagan ang mga nasabing bansa sa China na sundin ang final at legally binding na 2016 arbitral ruling.
Samantala, muli namang tiniyak ng mga opisyal ang pagpapalakas sa kooperasyon ng apat na bansa bilang suporta sa Regional Security at stability.| ulat ni Rey Ferrer