Pinasimple pa ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) at Taguig City ang pagpaparehistro ng mga negosyo sa lungsod sa pamamagitan ng bagong partnership nito.
Sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ay mai-integrate sa Business Permitting and Licensing System o Apollo 2.0 ng Taguig ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI.
Ibig sabihin nito ay hindi na hahanapin sa mga negosyante ang kopya nito ng mga DTI registration certificate dahil awtomatiko na itong maba-validate ng system ng Taguig sa DTI business name registrations.
Maliban sa reliable at secure na mga transaksyon, maiiwasan na rin umano ang mga pekeng dokumento dahil sa bagong partnership na ito.
Kasunod ng naganap na integration, hinimok naman ni DTI Secretary Fred Pascual ang mga Filipino businessman na iparehistro ang kanilang mga negosyo.
Sumasang-ayon naman ang partnership ito, ayon sa DTI, sa whole-of-government approach ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtutulak ng isang inklusibo at dynamic na ecosystem para sa pagnenegosyo. | ulat ni EJ Lazaro