Hinimok ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang bawat pamilya na aktibong makiisa sa laban ng gobyerno kontra ilegal na droga.
Ginawa ni Abalos ang panawagan sa unang taong anibersaryo ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program sa Lingayen, Pangasinan.
Sinabi ng kalihim na kritikal ang papel ng bawat pamilya sa giyera ng bansa laban sa iligal na droga.
Dapat aniyang magtulungan alang-alang sa kinabukasan ng mga anak.
Kailangang gabayan ang mga ito habang nakatuon naman ang mga awtoridad sa pagsugpo sa ipinagbabawal na droga.
Pagtiyak pa ng kalihim na hindi tumitigil ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI), sa pagsugpo sa iligal na droga. | ulat ni Rey Ferrer