Chinese Embassy, nanlilinlang ng mga mamamahayag upang magpakalat ng disimpormasyon — NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inakusahan ng National Security Council (NSC) ang Chinese Embassy sa Maynila ng pagpapakalat ng disimpormasyon sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga lokal na mamamahayag.

Ito ang inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año sa isang statement kaugnay ng panibagong inilibas na pahayag ng Chinese Embassy ukol sa umano’y “new model” na napagkasunduan ng Pilipinas at China tungkol sa West Philippine Sea.

Giit ng kalihim, ang pahayag ng Chinese Embassy ay “absurd, ludicrous, and preposterous,” at walang anumang napag-usapan ang magkabilang panig tungkol sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Secretary Año lumikha ng isang chat group ang Chinese embassy kasama ang ilang piling mamamahayag kung saan sila mismo ang nag-po post ng mga “leading questions” na sinasagot din nila, para manipulahin ang media na humingi din pahayag sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa ganito aniyang paraan ay nahuhulog ang lahat sa bitag ng embahada, para maikalat ang kanilang mga “scripted” na istorya.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us