Online application para sa Philippine Military Academy, bukas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang binuksan ng Philippine Military Academy ang PMA Online Cadet Application System para sa PMA Entrance Examination 2024.

Ito ay para sa mga naghahangad na mapasama sa PMA Class 2029.

Nagsimula ang PMA Cadet Online Application System nitong May 1, 2024 alas-8 ng umaga at tataggal hanggang alas-8 din ng umaga ng August 1, 2024.

Ilan sa mga kwalipikasyon para maging PMA Cadet ay dapat Natural born Filipino, at least 17 years old at hindi lalagpas ng 22 years old, Senior High School graduate, nasa 5 feet pataas ang height, single, mayroong good moral character, at iba pa.

Kinakailangan lamang ipasa ang application online sa https://admission.pma.edu.ph

Ang mga PMA graduates ay awtomatikong second lieutenants sa Philippine Army at ensign naman para sa Philippine Air Force at Philippine Navy.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us