Kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y “cash assistance” para sa mga graduating students ngayong school year, “fake news” — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko kaugnay sa mga kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y pamamahagi ng ayuda ng kagawaran sa mga mag-aaral.

Ito’y makaraang makarating sa DepEd ng mga sumbong hinggil sa mga post na ginagamit pa ang logo ng kagawaran para akitin ang mga mag-aaral hinggil sa umano’y ipamamahaging ayuda para sa mga graduating student sa School Year 2023-2024.

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Spokesperson, Undersecretary Michael Poa na walang katotohanan ang mga kumakalat na post at hinimok ang publiko na huwag itong paniwalaan.

Giit ng opisyal, walang gantong programa ang DepEd kaya’t pinag-iingat nito ang publiko mula naman sa mga ganitong uri ng impormasyon at hangga’t maaari ay huwag magbibigay ng anumang impormasyon sa mga ito.

Kasunod nito, nagpasalamat ang DepEd sa aktibong pakikipag-ugnayan ng netizen sa kanilang tanggapan para masawata ito at tiniyak na may ginagawa na silang mga hakbang upang mapigilan ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us