Malugod na inanunsyo ni House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan ang multisectoral effort para sa pagsasalba at proteksyon ng Homonhon Island mula sa tuluyang pagkasira dahil sa pagmimina ng nickel at chromite.
Kasunod na rin aniya ito ng kanilang naging pulong kung saan binuo at pinakilos ang ‘Task Force Homonhon’ sa atas na rin ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
Pangungunahan ito ni DENR Undersecretary Carlos Primo David.
Ang naturang task force ay magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng mining operation sa isla gaya ng pagsunod sa lahat ng environmental at community healt protection laws at kung nagsasagawa sila ng restoration sa mga lugar kung saan nag mina.
Sa kasalukuyan ay mayroong pitong mining company ang nag-ooperate sa isla.
“We are also counting on the mining firms to spend for Homonhon’s electrification and the installation of a water system that will provide round-the-clock running water supply to households there,” ani Libanan
Ang Homonhon Island na may lawak na 105 square kilometers ay isa mga makasaysayang lugar sa buong mundo.
Dito kasi unang dumaong si Ferdinand Magellan sa kaniyang pagdating sa Pilipinas. | ulat ni Kathleen Forbes