Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-37 taong serbisyo ng Commission on Human Rights (CHR), nakatakdang ilunsad ng komisyon ang ‘CHR MISMO’, na isang online complaint portal.
Ayon kay CHR Chairperson Richard P. Palpal-latoc, hakbang ito ng komisyon para makasabay sa digitalisasyon.
Target ng CHR na ilunsad ang bagong programa sa May 13 na layong mapalawak ang paghahatid serbisyo ng komisyon lalo na sa vulnerable sector.
Magbibigay daan ito para maabot nang real-time ang hinaing ng mamamayan saan man lugar sa bansa.
“This is our response to the fast-evolving digital world where emerging issues on human rights continually surface,” Chairperson Palpal-latoc.
Kasunod nito, tiniyak naman ng CHR ang patuloy na pagpapaigting ng flagship programs nito kabilang ang “Lakbay Karapatan Tungo sa Kamalayan or Lakaran” na isang human rights education caravan na iniikot sa mga komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa