Bilang pakikiisa sa International Firefighters Day, ipinapanukala ni Quezon City 5th District Rep. PM Vargas na gawing mas accessible ang firehose sa mga barangay.
Sa kaniyang Fire Proof Barangay Act, palalakasin ang firesafety sa bawat komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng firehose cabinets sa kada 150-metro sa mga barangay.
Sakaling maisabatas, uunahin itong ipatupad sa 14 na barangay ng district 5 ng Quezon City.
Sa paraang ito ay matutulungan ang mga bumbero na maapula agad ang sunog lalo na sa mga lugar na malaki ang populasyon at may makikipot na daanan.
Kasunod na rin ito ng naging konsultasyon ng kinatawan sa Quezon City Fire Bureau.
“Providing accessible firehoses would bolster the capacity of our firefighters to respond and significantly enhance the communities’ resilience to fire-related incidents”, ani Vargas.
Kasabay nito ay ipinaabot ng mambabatas ang pagkilala at papuri sa mga bumbero sa kanilang dedikasyon sa serbisyo na magligtas ng buhay at ari-arian.
“We enjoin the world in commending our firefighters who have been in the forefront to save lives and properties. They are our everyday heroes whose dedication is beyond compare,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📷: Avery Construction OPC