Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Ferdinand R. Marcos na sertipikihan bilang ‘urgent’ ang isinusulong na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.
Sa media interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na sadyang may pagtaas sa presyo ng bigas at dahil na rin ito sa pagkakaroon ng kumpetisyon sa hanay ng mga trader.
Lumalabas sabi ng Pangulo na nagpapataasan pa ang negosyante sa presyuhan ng pagbili ng palay at wala aniyang kontrol dito ang pamahalaan.
Kaya’t kung magkakaroon aniya ng amyenda sa rice tariffication ay magkakaroon ang gobyerno ng ‘power influence’ sa pagbili ng palay.
Suportado aniya ang panukala sa pag-amyenda kasabay ng pagtiyak na ito’y certified as urgent as sandaling ito’y dumating na sa kanyang tanggapan. | ulat ni Alvin Baltazar