Tiniyak ng Department of Agriculture ang patuloy na pagpapaigting ng mga programa laban sa zoonotic diseases o mga sakit sa hayop na nakakahawa sa tao.
Inihayag ito ng DA ngayong pormal na nitong pangungunahan ang Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses.
Pinangunahan nina DA Usec for Livestock Victor Savellano, DA Asec. Constante Palabrica ang isinagawang ceremonial turnover ng chairmanship sa tanggapan mula sa Department of Health.
Ayon kay Asec. Palabrica, prayoridad pa rin ng DA ang matutukan ang mga pangunahing sakit sa hayop gaya ng avian influenza, at rabies.
Ito ay sa pamamagitan ng “One Health” approach na coordinated action ng animal-human health at environment sectors.
Inaasikaso na rin aniya ng DA ang dagdag na pondo para sa mga programa sa rabies at AI kabilang ang prevention program, biosecurity at bakuna kontra sa mga naturang sakit.
Bukod naman dito, kasama rin sa binabantayan ng DA ang mga emerging zoonotic diseases gaya ng foot and mouth disease at ang anthrax.
Sa ngayon, nananatili naman aniyang FMD free ang Pilipinas habang isolated lamang din ang mga kaso ng anthrax sa ilang lugar sa Northern Luzon.
Kaugnay nito, tiniyak din ng DA ang patuloy na kolaborasyon sa DOH, at DENR para sa epektibong prevention, early detection at control ng zoonotic diseases sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa