Handa ang Department of Education (DepEd) na sumunod sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa pagbabalik ng dating school calendar sa susunod na taon.
Sa isang mensahe, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, na sa kanilang sulat sa Office of the President sa proposal ng Deped sa pagbabalik ng June hanggang March School Year, nakasaad na tatalima sila sa anumang kagustuhan ng Pangulo.
Ganito rin umano ang una nang inahayag ng DepEd sa ginanap na Senate hearing noong April 30.
Nabatid na isang ambush interview, sinabi ng Pangulo, na umaasa siyang sa susunod na taon ay maipatupad na ang pagbabalik sa dating school calendar.
Binigyang diin ng Pangulo, na napapanahon nang ibalik ang dating school calendar dahil araw-araw niyang napapanood sa TV, naririnig sa radyo, at nababasa sa mga dyaryo ang kanselasyon ng mga klase dahil sobrang init ng panahon. | ulat ni Diane Lear