Pwersa ng CTG sa Bukidnon, mas lalo pang humina; 9 miyembro, sumuko sa tropa ng 4ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtagumpay ang tropa ng 4th Infantry Division sa pamamagitan 403rd Infantry Brigade (403Bde) sa kanilang negosasyon sa pagsuko ng 9 na mga miyembro ng communist terrorist group(CTG) sa lalawigan ng Bukidnon noong May 3, 2024.

Nitong Biyernes, 9 na mga miyembro ng CTG ang sumuko sa tropa ng 88th Infantry Battalion, 26th Infantry Battalion, at 1st Special Forces Battalion, sa ilalim ng pamumuno mi BGen. Michele B. Anayron Jr., Commanding Officer ng 403rd Brigade na nakabase sa Malaybalay City, Bukidnon.

Nasa 6 na mga high-powered firearms at low powered firearm ang kasamang isinuko ng mga CTG.

Ang tropa ng 88th Infantry Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Eric G. Dema-ala kasama ang mga intelligence units ang nanguna para sa pagsuko ng 5 miyembro ng CTG na kinilalang sina Narnito Dum-ogan alias Totskie/Amel at Beije Padejo alias Gina/Karla, Squad Leader at Medic ng Squad 1, HQ Loader ng Sub-Regioanl Committee 2 (SRC2), NCRMC at sina Alex Maggatawan alias Ricky/Hatton/Uli/Pon, Alecia Maggatawan alias Alisya/Jean, and Ata Manggatawan alias Mia/Haidi/Ana, Team Leader Bravo, Squad Medic at Supply Officer, ng Squad 2, Sub-Regional Sentro De Gravidad (SRSDG) SRC2, NCRMC. Kanilang isinuko ang 3 Carbine Cal. 30 Rifles, 1 M16 Rifle, at 1 M14 Rifle.

Samantala, dahil sa walang tigil na operasyon ng 26th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Noel C. Calimquim kasama ang 4th Civil Military Operation sa pamumuno ni Lt. Col. Jenny A. De Mesa, 2 miyembro ng CPP-NPA Terrorists ang sumuko na kinilalang sina Verwell Sulina Cawasan alias Rebo/Rendon/Tabor at si Jessa Mae Banawan Visto alias Wim/Dex, Vice Commanding Officer at Finance Officer ng HQs Loader ng SRC2, NCMRC at kanilang ibinunyag na nakatago sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Caburacanan, Malaybalay City ang kanilang mga baril at noong Mayo 4,2024 nahukay ang M653 Rifle at 1 .45 Pistol.

Dalawang miyembro naman ng CNT na kinilalang sina Tony LIndaan Taquin alias Sayong/Waynim/Rotor/Ropor, miyembro mg Squad 1, Platun Uno, SRC-5, NCRMC at si Rian Pid-ak Pedyaan alias Makmak/Ronron, miyembro ng Squad 2, Platun Dos, SRC-5, NCRMC ang sumuko sa 1st Special Forces Battalion sa pamumuno Lt. Col. Roger Anthony E. Nuylan Jr. Kasama nilang isinuko ang 1 M16 Rifle at 1 Cal. 40MM M203 Grenade Launcher. 

Sa pahayag ni 4ID Commander Major General Jose Maria R. Cuerpo II na ang sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro ng CTG ay nagpakita lamang ng paghina ng pwersa at impluwensya ng CTG sa lalawigan ng Bukidnon at Caraga region, at siya ay nanawagan sa mga natirang miyembro na sumuko na para makapamuhay na ng tahimik.| ulat ni Cocoy Medina| RP1 Cagayan de Oro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us