Aabot sa kabuuang 696 na mga Zamboangueño ang nakinabang sa samu’t saring medikal na serbisyo mula sa unang araw ng Lab For All Program na inilunsad sa Brgy. Baliwasan, lungsod ng Zamboanga kahapon.
Kabilang sa mga serbisyong handog ng naturang programa ay ang medikal na konsultasyon, laboratory diagnostics, oral health services, mga gamot, at legal consultation.
Ang Lab For All o Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para Sa Lahat ay layong tugunan ang puwang sa pagitan ng healthcare sector at ng publiko sa pamamagitan ng paglapit ng mga serbisyong medikal sa mamamayang Pilipino.
Tatakbo mula May 5 hanggang May 11 ang nasabing programa at ilulunsad ito sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Zamboanga.
Inaasahan bukas, May 7, ilulunsad ang Lab For All sa Brgy. Ayala at sa May 9 naman ay ilulunsad ang Grand Medical Mission ng naturang programa sa Western Mindanao State University.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga