Sinampahan ng kasong criminal ng Securities and Exchange and Commission (SEC) ang Abra Mining and Industrial Corporation dahil sa hindi awtorisadong at mapanlinang na trading.
Kasama sa mga sinampahan ng kaso ng SEC aty ang mga director, opisyal, transfer agent at ilang stockholders na sangkot.
Sa complaint affidavit na isinampa sa Department of Justice (DOJ) ang kaso sa mga respondents with 441 counts of violation ng Section 8 and 26 ng Securities Regulation Code (SRC) and Section 61, 62 and 63 ng Revised Corporation Code (RCC).
Hiniling din ng regulator sa DOJ na magsagawa ng civil at criminal forfeiture, kabilang ang accessory penalty ng asset preservation at iba pang naangkop na aksyon laban sa mga respondents sa ilalim ng Anti Money Laundering Act of 2001 as amended.
Ang criminal complaint ay nagmula sa umano’y discrepencies sa bilang ng shares ng Abra Mining na nakarehistro sa SEC para sa public offerings, Philippine Stock Exchange at Philippine Depositary and Trust Corp.| ulat ni Melany V. Reyes