Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maaaring makapag-avail ng benefit package ang mga miyembro na makararanas ng heat stroke o heat exhaustion dahil sa mainit na panahon.
Ayon kay PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma, magkakaloob ng benefit package na nagakahalaga ng P8,450 para sa mga miyembro at dependents nito sakaling maospital dahil sa nasabing sakit.
Ani Ledesma, ang heat stroke ay isang medical emergency kaya naman nagbigay ang PhilHealth ng benepisyo para rito.
Nagbabala rin ang PhilHealth sa publiko hinggil sa matinding init na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bukod dito, hinihikayat din ng PhilHealth ang publiko na samantalahin ang Konsulta package para sa libreng konsulta at checkup.
Paliwanag ni Ledesma na makatutulong ang Konsulta providers para ma-checkup ang pasyente at ma-refer sa ospital kung kinakailangan.| ulat ni Diane Lear