Nagpulong ang gobyerno ng Pilipinas at ang United Nations (UN).
Layon nito na magkaroon ng sama-samang pagsisikap upang maabot ang Sustainable Development Goals (SDG) at Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Sa naturang pulong sa tanggapan ng National Economic and Development Authority (NEDA), inaprubahan ang Terms of Reference na magsisilbing balangkas ng kooperasyon ng Pilipinas at UN mula 2024 hanggang 2028.
Binigyang-diin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng pagtutulungan. Aniya, mas mapapatibay nito ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa international community.
Tinalakay din sa pulong ang kasalukuyang prayoridad ng UN sa Pilipinas gaya ng human capital development, climate action, at ang mga kinakailangang resources para sa susunod na apat na taon.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga kinakatawan ng NEDA, UN, at Department of Foreign Affairs. | ulat ni Diane Lear